for garrey
for garrey

Good morning, World! Beautiful day, today! :)
Lea Michele and Cory Monteith in the Dec / Jan 2010 / 2011 issue of Teen Vogue, December, 2010
Marc Jacobs Resort 2011 Dots Dress
(via keytikat)
Nilalagnat ako. Sobrang init ng mukha ko pero giniginaw ang buong katawan ko. Maghapon kasi ako naglaba ng damit na halos dalawang linggo nang binbin. Sinipag-sipag pa at nagkuskos ako ng banyo. Ayan ang inabot ko,… mukhang tatrangkasuhin pa yata ako.
Pagkatapos na pagkatapos ko eh kaagad akong naligo. Baka kapag naligo ako, matanggal ang pamimigat ng aking ulo’t mga kasukasuan. Pinatapos ko lang sandali ang Amaya pagkabihis ko. Pagkakuwa’y lumabas ako sandali para bumili ng lomi sa Banang’s. Umuulan nang umalis ako kaya pihadong mahaba ang gabing itong susuungin ko kapag hindi bumaba ang lagnat ko. Bahala na. Gutom na ako.
Pagkauwi ko, kaagad akong naghanda para kumain sa kuwarto. Pagkakain ko ay matutulog na ako. Iinom ako ng ‘power meds’ na laging advise ni Goody. Isang Flanax, dalawang Vitamin C at isang Bioflu.
Natawa ako nang ilipat ko sa Cinema One ang TV. Soltera ang palabas. Sakto dun sa eksenang paalis si Sandra papunta sa States at iiwanan nya si Eric. Meron ako biglang taong naalala. Halos anim na taon na magmula noong magpaalam sya sa akin na magtu-tour kasama ng mga kaibigan nya sa ospital. Matagal ko syang hindi nakita magmula nang umalis sya noon. Hindi ko alam hanggang ngayon kung anong nangyari.
Pinuntahan ko sya sa ospital. Nagkita kami isang beses. Pero ang lamig-lamig na nya. Tapos nag-text nalang sya sa akin a few months later. Sabi nya, ‘We’ve shared something special but it’s not working anymore. I’m sorry.’ Halos gumuho ang buong mundo ko. Mag-ala-Maricel Soriano sa breakdown scene nya sa Soltera. Gusto kong manakit. Gusto ko nang mamatay nun. Sa sobrang galit ko, binura ko sya sa Friendster. Hindi ko alam kung anong nangyari bakit nya ako iniwan pero hindi na yun mahalaga sa akin.
Tagal na nun. Nito lang, in-add ko sya sa FB. Pero he denied it. Hindi ko pa rin alam kung anong ginawa ko noon to deserve na hindi nya ako i-approve sa FB. Pinabayaan ko na, pero sa totoo lang, masakit pa rin pala.
Panay ang text ni Garrey, asking kung anong kailangan ko. Humupa na ang lagnat ko. Wala na rin ulan sa labas. Tapos na rin ang Soltera. Bigla kong naisip na kaya rin pala nating maging mag-isa. Pero sigurado rin akong mahirap maging mag-isa. Kailangan natin ang iba. Kailangan nating may mag-abot sa atin ng tubig pag may lagnat. May magkumot sa atin kapag giniginaw. May mag-appreciate sa atin. Kaya kung sa kaya ang pag-iisa. Ilang taon na akong single. Wala akong tinitext para magpaalam ako kung nasaan ako at saan ako pupunta. Walang nagtitext sa akin para magtanong kung kumain na ako o kung anong oras ako umuwi. Ako lang. Ako ang boss ko.
Pero minsan, masarap din may ganun. Masarap yung may naghihintay sa’yo umuwi. masarap yung may umaaway sa’yo kapag di ka nagtitext. Masarap yung alam mong may nag-aalala sa’yo.
Matutulog na ako. One thing I know for sure, masarap matulog na walang kaagaw sa unan, pero mas masarap yung may kayakap ka lalo kung nilalagnat ka at umuulan sa labas. :P
Edge Villaruel and i were Garrey Garduque ’s house last night when this video played. sooobrang ‘i like’. may isang tao akong naalala. masaya sya ngayon. at ako, pangarap ko lang siya… hay, kakaiyak,.. kakainis,.. nakakakiliti ng puso… :)
Pangarap Lang Kita feat. Francis Vincent Montaner Official Video (by alfonsomirandajr)
D: WHO MADE THESE?? ANG GANDA!
Much love,
D
(Source: dire-circumstances, via divinemlee)
I don’t know why.. why nga ba? choz! haha! But every time I see Blake she reminds me of a 70’s girl talaga or Brigette Bardot.
Parang oozing with sex appeal. So when I saw her Glamour editorial. Pasok sa bangga ang peg!
I love the sheer polka dots shirt!
Tambourin levels lang. Keri!
ganda mo girl! mamigay ka naman!
Bonggels, maraming props si ate!
YAN na ang peg ko ng HIGH HAIR! Win!
I LOVVVVEEE THE TOP!
Iba talaga si Ate nyo, puro GL card… GANDA LANG CARD.
WIN!
Much love,
D